Join Us: Pinapadali ang pakikibahagi sa pananaliksik na mahalaga sa iyo
Ang Join Us ay isang pambansa, libre, hindi para sa kita na nakasentro sa komunidad na rehistrong pananaliksik. Pinapangunahan ng George Institute (isang pandaigdigang sentro ng pananaliksik sa kalusugan) at University of NSW (UNSW), ang Join Us ay nag-uugnay sa mga tao sa ating komunidad sa pananaliksik na mga pag-aaral na mahalaga sa kanila.
Ang Hamon
Ang Australia ay nangunguna sa mundo sa pananaliksik sa kalusugan. Nakatulong ang Australyanong mga mananaliksik sa mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong mga paraan upang gamutin at mapigilan ang iba’t ibang mga sakit at mga karamdaman.
Ang isang malaking hamon sa paggawa ng pananaliksik sa Australia ay ang paghahanap ng mga taong maaaring makilahok at gustong makilahok.
Ang Pagkakataon
Maraming mga Australyano ang gustong makilahok sa pananaliksik na mahalaga sa kanila, ngunit karamihan ay hindi alam kung paano hanapin ang mga pag-aaral o kung paano makilahok. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng interesadong mga Australyano sa pananaliksik na mga pag-aaral sa kalusugan, matutulungan namin ang mga mananaliksik na magbigay ng makakapagpagong buhay na pangangalagang pangkalusugan. Ang pananaliksik sa kalusugan ay tumitingin sa mga sakit, mga paggamot, at mga sistemang pangkalusugan upang mas mapahusay ang pangangalagang medikal at mapabuti ang kalusugang pampubliko.
Ang Aming Misyon
Nilalayon ng Join Us na mapahusay ang Australyanong mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagtulong sa mga miyembro ng komunidad na makilahok sa pananaliksik na mga pag-aaral.
Ang pagtulong upang mas mapabilis ang pag-unlad ng pananaliksik ay makakapagdala sa mas maraming buhay na nabago at isang mas malusog na Australia.
Handa nang gumawa ng kaibahan?
Bukas ang Join Us sa lahat ng mga Australyano sa edad na 18 taong gulang at pataas. Libre ang pag-sign up sa Join Us, simple, at tumatagal lamang nang ilang minuto sa pamamagitan ng aming madaling gamiting online na platform. Makakatanggap ka lamang ng mga imbitasyon sa pananaliksik na mahalaga sa iyo. Maaari mong piliin kung ilang beses bawat taon mo gustong imbitahan na makilahok sa pananaliksik. Maaari kang umalis sa rehistro anumang oras.
Paano ito gumagana
Kapag nag-sign up ka sa Join Us, gagamitin ang iyong mga detalye upang itugma ka sa pananaliksik na mga pag-aaral sa kalusugan. Maaari kang itugma sa pananaliksik na mga pag-aaral batay sa iyong edad, kasarian/gender at kung mayroon ka o wala ng partikular na mga kondisyon o mga karamdaman sa kalusugan.
Makakatanggap ka ng mga imbitasyon sa pananaliksik na pag-aaral sa pamamagitan ng iyong email address. Ang imbitasyong ito ay magsasama ng impormasyon tungkol sa pananaliksik na pag-aaral; tungkol saan ang pag-aaral, kung paano makibahagi, at anumang iba pang impormasyon.
Pagkatapos ay maaari kang magpasya kung ang pananaliksik na pag-aaral ay mahusay na tugma para sa iyo at kung nais mong makilahok.
Ang rehistro ng Join Us ay tumutulong sa paghahanap ng mga taong makikibahagi sa mga pag-aaral tungkol sa maraming paksa ng pananaliksik, gaya ng:
- malusog na pagtanda
- kalusugan ng isip
- kalusugan ng kababaihan
- kalusugan ng puso
- pananaliksik sa kanser at higit pa.
Ang pagsali sa pananaliksik na mga pag-aaral ay maaaring magmukhang:
- Pagsagot sa online na mga survey
- Pagsasalita tungkol sa iyong karanasan kasama ang isang mananaliksik
- Pagsali sa isang klinikal na pananaliksik na pag-aaral
Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pananaliksik, maaari kang makakuha ng:
- mga paggamot
- mga terapiya
- mga programa at mga serbisyo sa pampublikong kalusugan.
Maaaring mag-alok ang ilang pananaliksik na mga pag-aaral ng bayad para sa mga gastos gaya ng paglalakbay o paradahan. Minsan iniaalok ang mga gift voucher para sa pakikibahagi sa isang pananaliksik na pag-aaral.
Hindi mo kailangang makilahok sa anumang pananaliksik na pag-aaral na iniimbitahan ka ng Join Us.
Seguridad ng datos at impormasyon
Napakahalaga ng seguridad at pagkapribado ng iyong datos para sa Join Us. Ang iyong datos at pakikilahok sa Join Us ay kumpidensyal, walang makakaalam na nag-sign up ka sa Join Us maliban kung sasabihin mo sa kanila.
Pagkatapos mag-sign up sa Join Us, ihihiwalay ang iyong mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa iyong mga detalyeng nauugnay sa kalusugan para sa karagdagang seguridad.
Ang iyong mga detalye sa pakikipag-ugnayan ay nasa isang database na pinamamahalaan ng The George Institute for Global Health. Inililipat at iniimbak ang iyong mga detalyeng nauugnay sa kalusugan sa isang hiwalay na database na pinamamahalaan ng University of New South Wales (UNSW).
Ang parehong mga database ay ligtas at naka-encrypt, nakakatugon sa mga pamantayan sa seguridad ng datos ng industriya at Pamahalaan at nasa Australia. Upang palakasin ang seguridad ng datos, walang miyembro ng kawani ang makakaakses sa parehong mga dataset.